Header Background Image
    Escaping Rat Race And Live Unscripted Life

    Kitang kita ko iyong kagandahan
    Nanaig ka sa karamihan
    Ikaw ay nakasoot ng itim
    Ang awra mo sa isip ko’y nakatanim

    Walang ibang salita aking bibigkasin
    Napakaganda mo, pansin na pansin
    Yung ngiti mong hirap limutin
    Yung tinig mong sarap ulit ulitin

    Ang suot mo talagang bagay na bagay
    Binuhay mo ang puso kong Patay
    Ang tulang ito ay aking nararamdaman
    Di ko man masabi sayo ng harapan
    Dito ko nalang ilabas ang katotohanan

    Sa Araw na iyon na ikaw nasilayan
    Di ka talaga mawala sa aking isipan
    Sa rami ng babae, sa araw na iyon
    Ikaw lang talaga nakakuha sa aking atensyon

    Dito ko na puputulin
    Hindi ko na ito tatapusin
    Ang tulang ito ay aking babaguhin
    Hindi ko Ito Babawasan
    Ito ay aking pupunan
    Nakabasi ang lahat ng laman
    Sa Araw na ikaw ulit aking matatagpuan

    Nakilala kitang masayahin, pala ngiti at Good vibes. Sana di yan mawala. You give others happiness , Kung Alam mo lang.. Ingat ka palagi, Babaeng Naka Itim.

    0 Comments

    Heads up! Your comment will be invisible to other guests and subscribers (except for replies), including you after a grace period.